ReePrime
RIP Maya Angelou: 1928-2014

Hosted by Dailymotion. For legal issues report at the Copyright Center, report us on DMC, or use the Instant Removal tool.

RIP Maya Angelou: 1928-2014

T
TomoNews PH

11 Views • Apr 14, 2015

Description

Maya Angelou: 1928-2014.

Ang American poet, writer, activist at icon na si Maya Angelou ay namatay sa kanyang bahay sa Winston-Salem, North Carolina, sa edad na 86. Ang kanyang buhay ay nagsimula sa kahirapan at panahon ng pagka-rasista ng Jim Crow South noong 1930s, at mula doon siya ay naging isa sa pinaka-maimpluwensiyang taong nagsilbing inspirasyon para sa maraming tao sa buong mundo.

Itinawag siyang "The People's Poet" ng marami. Siya ay ipinanganak bilang Marguerite Johnson sa St. Louis, Missouri, at lumaki siya sa Stamps, Arkansas. Noong siya ay pitong taong gulang ay seksuwal siyang inabuso ng live-in boyfriend ng kanyang ina...at siya ay na-guilty nang na-murder ang lalake, dahil inakala niyang siya ang may kasalanan, matapos niyang sabihin sa kanyang kapatid na lalake ang tungkol sa pag-abuso. Limang taon siyang nanahimik at hindi kumausap sa kahit na sino, hanggang sa pinakilala siya ng isang teacher sa mga sulat ni Edgar Allen Poe, Charles Dickens, at William Shakespeare.

Mula noon, ay nabuhay siyang sumusunod sa iilang mga panuntunan:
"Nothing works, until you do."
"You alone are enough. You have nothing to prove to anyone."
"Have enough courage to true love one more time, and always one more time."
At, marami pang iba, na naging inspirasyon sa maraming tao.

Sa kanyang makulay na buhay, ibinahagi niya ang kanyang natutunan mula sa kanyang mga tagumpay at pagkabigo sa lahat ng tao, at ipinaalam niya sa atin na kailangan natin ang sapat na tagumpay at pagkabigo para maging tunay na successful sa buhay.

Kahapon ay nalaman natin kung bakit kumanta ang nakakulong na ibon. Ngayon, ay lumipad na ito para simulan ang kanyang panibagong paglalakbay.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH