Skip to content

video not played or not found error
click on direct switch

Hosted by Dailymotion. For legal issues: Copyright Center · DMC · Instant Removal

MKGF ... - Bayan Kilos na

P
PoemHunter.com

2 Views • Jun 15, 2014

Description

'Sang lugar sa dakong silangan,
Kinukubli ng kayamanan;
Itim na puso sa sisidlan,
Pinalaganap at binuksan.

Buong madla, nabighani
Sa rikit ng bahaghari,
'Sang misteryong kapa,
nakayakap sa 'ting mga mata.

Katotohanan nahan ka?
Bayan ko'y lumuluha.
Katarunga'y nawawala,
Tangay ng hanging ginto ang dala.

Mga aral na inihabilin
Ng mga ninunong nakipaglaban;
Pag-ibig sa bayan...iniwan,
Nang dahil sa Bulag na Katotohanan.

Mga Dakilang bayani'y lumuluha,
Buhay na isinugal, napasawalambahala.
Nang dahil sa mga pinunong dalawa ang mukha,
Natangay... Pagkakaisa ng ating bansa.

Lumaban ka Bansang iniirog!
Bawat araw, mayroong pag-asa.
Maglakbay sa kadulu-duluhan ng bawat puso,
Katarunga'y naroon pa!

Tipunin bawat bayani,
Imulat, mga sarili;
Katarunga'y di bulag,
Nasa atin... Kalayaan ng bansang Binihag.

MKGF ...

http://www.poemhunter.com/poem/bayan-kilos-na/