ReePrime
Mary Antoneth Marmol - Paalam

Hosted by Dailymotion. For legal issues report at the Copyright Center, report us on DMC, or use the Instant Removal tool.

Mary Antoneth Marmol - Paalam

P
PoemHunter.com

2 Views • Oct 28, 2014

Description

Paalam na kaibigan ko
Na lagging nandyan para sa akin
Paalam na sa mga alaala
Na ginawa nating magkasama

Paalam na mga pinsan ko
Na nagpapatawa sakin lagi
Paalam na sa mga kakulitan natin
Sa mga mas matatanda sa atin

Paalam na mga mahal kong magulang
Na inalagaa’t minahal ako
Paalam na sa mga sagutan natin
Pagnaglolokohan at nagtatampuhan tayo

Paalam na sa inyong lahat
Dahil tapos na ang papel ko ditto sa mundo
Paalam na dahil pipikit na ang aking mga mata
Paalam na mga mahal ko sa buhay

Aalis man ako ng panghabang buhay
Nandyan parin ako sa inyong mga puso
Na patuloy na mamahalin at aalagaan kayo
Ng panghabang buhay dito sa mundo

Wag kayong iiyak sa aking pagpanaw
Dahil mananatili akong buhay sa inyong alaala
Handa na ko sa aking pagpanaw
Sana lang ay handa na rin kayo

Pagnamaalam na akong tuluyan
Tanging hiling ko lang
Na pumunta kayo sa aking libing
Upang makapagpaalam din sa akin.

Mary Antoneth Marmol

http://www.poemhunter.com/poem/paalam-2/