Balitanghali: March 7, 2024

Hosted by Dailymotion. For legal issues report at the Copyright Center, report us on DMC, or use the Instant Removal tool.

Balitanghali: March 7, 2024

G
GMA News

395 Views • Mar 07, 2024

Description

Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali nitong Huwebes, March 7, 2024:

-Matinding init bunsod ng El Niño, nararanasan sa iba't ibang bahagi ng bansa/ PAGASA: Asahan ang mas matinding init sa mga susunod na linggo/ NDRRMC: Pinsala ng El Niño sa agrikultura, mahigit P1B na/ National Irrigation Administration, nakahanda raw sa epekto ng El Niño

-Dept. of Agriculture, kinalampag ng ilang grupo ukol sa tugon nito sa El Niño at inflation/ Mga magsasaka at mangingisda, patuloy raw naghihirap dahil sa epekto ng El Niño/ NDRRMC: Pinsala ng El Niño sa agrikultura, mahigit P1 bilyon na/ Pangakong P20 per kilo na bigas ni PBBM, tila napako na raw

-Zamboanga CDRRMC: Nasa state of calamity na ang Zamboanga City dahil sa epekto ng El Niño

-Weather

-Dalawang magkasunod na lindol, naranasan sa Baganga, Davao Oriental

-AFP WesCom Chief Vice Admiral Carlos, kabilang sa mga sakay ng Unaizah May 4 nang i-water cannon ng China Coast Guard/ Tarriela: Ginagawa ng PCG ang lahat para maiwasan ang banggaan/ PBBM: Hindi pa panahon para gamitin ang Mutual Defense Treaty kasunod ng banggaan ng resupply ship ng Pilipinas at barko ng China Coast Guard/ Chinese Foreign Ministry spokesperson, iginiit na Pilipinas ang sumira sa pangako umano nito sa China/ DFA at NSC, iginiit na walang kasunduan na pinapasok ang Pilipinas sa China tungkol sa Ayungin Shoal

-Lalaking senior citizen na nabundol ng motorsiklo habang patawid, patay

-Sanggol, inabandona sa simbahan/ 3 pulis na sangkot umano sa 2 pagnanakaw sa Kawit, Cavite, inaresto at sinibak sa puwesto

-Calum Scott, excited nang makasama muli ang Pinoy fans sa Manila Leg concert ni Ed Sheeran/ Ben&Ben special guest din sa concert ni Ed Sheeran

-Weather

-Presyo ng karneng baboy, tumaas sa ilang pamilihan/ United Broiler Raisers Assoc: Mga mamimili, naghahanap na ng mas murang alternatibo sa karneng baboy

-INTERVIEW: NICANOR BRIONES CHAIRMAN, PORK PRODUCERS FEDERATION OF THE PHILIPPINES INC. | Mataas na presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan, ipinagtataka ng Hog Farmers at ilang nagtitinda

-Motorcycle rider, patay matapos pagbabarilin

-Ilang Kapuso artists and personalities, binigyan ng star sa Eastwood City Walk of Fame/ Star ni Jaclyn Jose, inalayan ng kandila at mga bulaklak

-Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Asamba Bridge/ Mahigit P15M halaga ng shabu at cocaine, nakumpiska sa Caraga Region; 3 arestado

-Arrest warrant vs. Pastor Quiboloy sa Amerika, ipina-unseal ng korte; Quiboloy, puwede nang isama sa Interpol Red Notice

-SSS: May loan penalty condonation program para tulungan ang mga miyembrong hirap magbayad ng short-term loans

-16-year old swimmer Triza Tabamo, wagi ng 9 gold medals sa 2024 Asian Open School Invitational Swimming Championship

-"Resolution of Both Houses 7" na nagsusulong sa ilang economic amendments sa Konstitusyon, aprubado na ng House Committee of the Whole/ Senate Pres. Zubiri: Malaking hamon ang pagkuha ng sapat na boto para maaprubahan ang "Resolution of Both Houses 6"

-

Keywords & Tags